Ang pagbigay ng respeto sa mga mas matanda sa atin ay talagang nakasalalay na sa ating kultura. Ang pagbati natin sa nakatatanda hanggang sa pagsama natin sa kanila ay mga paraan ng pagbigay ng respeto sa mga mas matanda sa atin. Ang isang aksyon na Pinoy lamang ang gumagawa ay ang pagmamano sa ating mga lolo o lola.
external image mano_po__lola_by_just_joking1.jpg
Saan kaya nang galing ang ganitong pagbigay na respeto? Sa aking pagsasaliksik, nalaman ko na iba-iba ang sinasabing mga tao tungkol sa pinanggalingan ng tradisyon na ito. May nagsasabi na galing ito sa mga Malay dahil sila ang isa sa mga naunang tao na dumating sa Pilipinas, liban dito, makikita niyo na ginagawa rin ito ng mga Tsino at dahil alam natin na mas maaga ang mga Malay sa kanila, maaari nating sabihin na ang malay ay ang nagpasimula at nagbigay ng tradisyon na ito sa atin. May mga taong na nagsasabi na galing ito sa mga kastilla. Pero, kung ako tatanungin, galing talaga ang tradisyon sa mga malay, nag-evolve lang pagdating ng mga Kastila.
external image traditional_malay_dancing.jpg
Paano gawin:
external image Mano-Po.JPG
1. kunin hawakan ang kamay ng matanda.
2. Ilagay ang kamay ng matanda sa noo mo(dapat ang knuckles ang may contact sa noo)
3. Kailangan mo rin yumuko para maabot ang knuckles at para magpakita ng repeto.
4. Ialis mo ang kamay sa noo mo at bitawan.

Masayang alamin:
May pelikula na ang pangalan ay "Mano Po". Pinapakita ang paghalo ng mga tadisyong Pinoy at tradisyong tsino sa isang pamilyang Chinoy. Madalas ang artista sa pelikulang ito ay si Sharon Cuneta.